Una sa lahat, gusto kitang batiin ng Happy Retreat! Last retreat niyo na ito sa school mo kaya sana gawin mo itong masaya.

Isa ka sa mga taong napaka-importanteng tao na aking nakilala. Matagal na kitang kilala, panahon pa ng mga mamumundok ng Tralala. Panahon na ligal pa ang SPAM-ming. Natutuwa ako dahil hanggang sa ngayon, kaibigan pa rin kita.

Kahit hindi pa kita nakikita, alam kong nakita mo na ako noong nag-exam tayo sa La Salle. Madaya ka. Hindi ka nanghiram ng pencil. Alam mo bang humiram pa ako ng pencil sa ibang tao. Nakakahiya.

Sa pag-alis natin sa kinaroroonan natin ngayon, sa ating pag-graduate, sana ay hindi tayo magkalimutan. Kahit hindi mo na ako nakaka-usap(nag-usap na ba tayo?!), nakaka-chat, o nakaka-text,wag mong kakalimutan na lagi akong andito para makinig sa iyong mga hinaing.

Isa kang masayang kaibigan. Naalala ko ang Beach Thread. Pero wag nang ikwento kasi minamadali mo ako.

Salamat sa mga payong nabigay mo sa akin. Sorry kung minsan ay nasaktan kita. Salamat sa pagiging kaibigan. Walang iwanan ah!

Muli, Happy Retreat! God Bless! Take Care!